Friday, July 1, 2011

Kahit paulit ulit, ang sarap lang pagusapan.

Kanina, pinapatulog namin si Kurt. Tapos di talaga matapos samin yung issue kanina. :) Buti na lang kahit maingay kame, natulog pa din si Kurt. hangga’t di kase niya sinasagot tanong ko, lalo na’t seryoso di ko talaga siya tinitigilan. Bigla niyang sinabe, “Ayoko ng mga ganyang usapan eh, di na naman tayo makakatulog eh.” Ako naman pilit pa rin ng pilit na sumagot siya para tumigil na ko. Sagot na naman siya, “Hay nako, kilala kita. Di na matatapos yang usapan natin. Pagkatulog ni Kurt maya-maya tumatabi ka na sakin tas bigla kang haharap at magtatanong ng kung ano-ano.” Which is true. Hehe lagi namin yun ginagawa. Mag reminisce ng paulit ulit. Same issues. :) Lalo na pag senti yung mga tugtog, may isa samin ang biglang babanat dyan at magsisimula ng topic. Buti na lang kahit ganon di na kame nagkakapikunan kase before, pag may tinago siya na ngayon ko lang nalaman, end na yng topic. Wala ng explanation. Eh ngayon kahit paulit ulit na parang wala lang. Tawa lang ng tawa :)

Siguro kaya din kame ganto ka-close at open sa isa’t isa kase mag 5 years na kame.

P.S: sa mga in a relationship dyan or what, magandang maging open sa partner niyo. Para walang gulo or something. Para clear lahat sa relationship niyo. Ang saya kaya pag super close kayo ng partner niyo :”>


No comments:

Post a Comment