Tuesday, September 6, 2011

My 2nd little PRINCE ☺


Yes, my 2nd baby boy. I gave birth last July 30, 2011 around 5:00am.

So ganto yun, July 29, around 7pm, nagpacheck up ako sa OB-GYNE ko. then sabe niya 4cm na daw and anytime pwede na daw manganak. Pag-uwi pa lang namin, ramdam kong sumasakit sakit na yung puson ko dahil dunsa ginawang pag-IE. Srsly, masakit talaga that time. After dinner, lakad na ko ng lakad, para bumaba na yung tyan ko. Around 2pm, nakakaramdam na ko ng sakit sa tyan. I thought wala lang yon. Akala ko dahil lang sa lamig or naiihi ako, then when I checked my underwear may spotting na ko. Buti na lang ready na lahat ng gamit na dadlin sa hospital kaya nakapunta agad kame. Tinawagan ko agad si Cj. Syempre ayoko naman wala siya dun.

When we're in the hospital na, super in pain na talaga ako. Srsly, mas masakit pa maglabor kaysa magdeliver. Lalo na pag kailangan akong ma-IE, mas masakit habang naglalabor. I can't explain how painful it is. Around 4:00 am na dumating yung OB-GYNE ko. While in the delivery room, pinaglalabor pa din nila ko. Nililinispa nila yung legs ko and everything na lalabasan nung baby. Tinuturuan pa nila ko umire then magcocount daw sila ng hanggang 10 tapos dun lang ako magsstop sa pag-ire. Di ko alam na ganon pala dapat, kase di ko naman na-encounter yun before nung pinanganak ko si Kurt.

Exactly 5:00, lumabas na si baby. Di ko na alam mga nangyari after. Bigla akong nakatulog after niyang makalabas. Nagising na lang ako ng 8:00 am. :)

Here's some pictures of Kean.
3.2 kg / 7.02 pounds



Yan din yung damit na suot ni Kurt nung lumabas din kame ng hospital. :)

No comments:

Post a Comment