Thursday, June 30, 2011

Kailangan bang pagchismisan lahat ng bagay?

Inspired akong mag-blog ngayon. Dahil dun sa issue kay Andi Eigenman na nagdadalang tao ngayon. Di ko alam bakit kailangan pang pag-usapan ng madla yung tungkol dun. May mapapala ba sila pag pinagchismisan nila yon? Di naman sila yung bubuhay kay Andi at sa baby niya. Naranasan ko na kase yung ganyang feeling before nung pinagbubuntis ko pa si Kurt. Oo dati ayaw ko pa talaga ipalaam kahit kanino although malalaman at malalaman din nila yon. Pero syempre, konting privacy na lang diba. Ayaw kong magpaka-stress nun sa issue about that. Pero ika nga, may pakpak ang balita. Mabilis talaga kakalat yang chismis na yan, lalo na yang pagbubuntis na yan. Pero mapapala ba sila pag pinagusapan nila kameng mga nagbubuntis? Wala naman diba. At saka, etong baby na kasama namin ngayon ay isang blessing kay God. Babae ako kaya alam ko yung mga nararamdaman ng mga buntis na pinaguusapan at naranasan ko yun. Buti sana kung sila yung bubuhay samen dba, kung sila yung susupota. Pero hindi naman. Naninira lang sila ng image ng ibang tao. Ginusto man 'to o hinde, andito na yun at wala silang magagawa at gift ni God yun. Konting respeto na lang diba sa mga babae. :)

No comments:

Post a Comment