Showing posts with label tagalog. Show all posts
Showing posts with label tagalog. Show all posts

Wednesday, July 6, 2011

Mga pilosopiyang marahil ay totoo.

  • Ang taong natutulog ng makati ang pwet, nagigising ng mabaho ang daliri.
  • Ang taong malikot sa upuan, ay tinatawag na ng kalikasan.
  • Kapag mataas ang score mo sa exam, kadalasan ay nagtatanong ka ng score ng iba, para maipagmayabang mo din ang mataas mong score kung tanungin man niya.
  • Kapag magkasama ang dalawang tao lalo na kung lalaki at babae at nagmamahalan, grabe ang bagal sa paglalakad.
  • Sa text, mas malungkot kapag ganito :"(, kaysa "huhu.."
  • Kapag nasaktan o nasugatan, ang sumisigaw ng "aray" ng malakas ay kaunting sakit lang ang naidulot, ngunit kung mahina lang, ayun talaga ang masakit.
  • Sobrang nakakainis at nakakalungkot kung may nawala kang kahit anong susi.

Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.